CanadaPolitics

Bbm-sara supporters, nagtipon sa toronto

Mahigit isang buwan nalang bago ang presidential elections sa pilipinas, muling nagtipon ang mga taga-suporta ng tambalang bongbong marcos junior at sara duterte-carpio sa toronto.

Nilinaw nilang kusa silang nagsagawa ng kampanya at walang nakuhang bayad mula kay marcos.

Marami sa mga dumalo ay ilokano. Ang iba naman ay mga die hard duterte supporter o dds.

Naniniwala silang walang ginawang mali ang pamilya marcos. Umaasa rin silang si marcos ang magiging susi para makabalik na sa pilipinas ang maraming overseas filipino workers o ofws.

“kahit wala kami sa pilipinas dala namin ang patriotismo sa pamamagitan sa pag-suporta sa political leader na maghahatid ng bagong pilipinas, kaya bangon pilipinas, bongbong marcos,” ayon sa isang bbm supporter.

“wag na tayo mag-siraan, sama-sama tayo para sa kinabukan ng bayan. Nangangarap pa kami umuwi ng pilipnas, di kami magtatagal dito sa canada. If bongbong restores the economic structure of our country, we need to go back to our homeland,” dagdag pa ng isang bbm supporter.

Ginawa ang pagtitipon sa earl bales park kung saan nagkaroon din ng campaign caravan ang grupo sa toronto upang ipakita ang anila’y malaking suporta ng mga pilipino sa canada sa tambalang bongbong-at sara.

Vp candidate pangilinan, may hirit kay bbm at sara

Sa pilipinas, may banat naman si vice presidentiable kiko pangilinan kay bbm at sara, na hanggang ngayon ay hindi pa humaharap sa mga debate na mahalaga anya sa pagsuri ng mga botante.

“respeto ang humarap di pwedeng lumiligaw lamang sa tiktok o kaya sa you tube o sa facebook,’ ani pangilinan sa video.

Paliwanag niya, pag di humaharap, baka raw isipin na masama ang hangarin at may itinatago. Baka raw may ayaw malaman ng taong bayan.

Libo-libo ang dumalo sa leni-kiko campaign rally sa caloocan. Nagtiis sa init noong hapon at lalo pang dumami kinagabihan.

Dahil hindi nagkasya sa isang venue, binuksan na rin ang isa pang bahagi ng eskwelahan na napuno rin ng mga taga-suporta.

Natalo si robredo sa bahaging ito ng metro manila noong 2016 election bilang vice president, pero isinigaw ng kanyang taga-suporta na babawi sila sa pagkakataong ito.

“nung nanalo ako as vice-president, pantay-pantay ang tingin ko sa lahat. Di ako tumingin ng kulay, di na ako tumingin saan ba ako tinulungan, saan ba hindi,” ani robredo sa kanyang talumpati.

Batay sa survey, sina marcos at robredo ang mistulang naglalaban sa posisyon ng pagkapangulo. Pero tulad ng sabi ng maraming pulitiko, marami pang pwedeng mangyari sa susunod na isang buwan at kalahati ng kampanya sa pilipinas.

LATEST

FILIPINO

STORIES

LATEST

FILIPINO STORIES

Ontario gov't planong targeting...
Paghahanda ng mga kandidata...
Libreng Adult Learn to...
Bilang ng immigrants na...
SEE ALL FILIPINO CONTENT
  • PORTUGUESE ARABIC PORTUGUESE
  • ARABIC ITALIAN ARABIC ITALIAN
  • ENGLISH MANDARIN ENGLISH MANDARIN
  • MANDARIN FILIPINO MANDARIN FILIPINO

ABOUT


OMNI


TELEVISION


OMNI Television is Canada’s only multilingual and multicultural television broadcaster.

OMNI offers a wide range of locally produced and acquired programming in more than 40 languages, including news, current affairs and entertainment content in Arabic, Cantonese, Filipino, Italian, Mandarin, Portuguese, and Punjabi.

ABOUT US