Matapos ang makasaysayang memorandum of understanding sa pagitan ng alberta at pilipinas na nilagdaan noong oktubre para sa pagpapadali nang pagpasok ng filipino nurses sa probinsya.
Tila wala pa ring pagbabago sa prosesong kailangang daanan ng mga internationally educated nurses, ayon sa philippine canadian nurses association.
Ayon kay lucy reyes, na halos limampung taon ng registered nurse sa calgary, maraming mga nars ang napipilitang iwan ang propesyon dahil sa tumitinding bigat ng trabaho, dahil kulang pa rin ang staff.
Nais nilang tutukan ng gobyerno ang mga pangangailangan ng mga IEN’s. Lalo’t nagiging balakid na para sa kanila ang kumplikadong mga requirements.
Umaasa ang PCNA na kumonsulta sa kanila ang mga otoridad, para sa epektibong pagpapatupad sa pinirmahang MOU.
Aminado ang grupo na kulang ang resources para sa mga kababayang IENs, at isa lamang sila sa malalapitan sa alberta na nagbibigay ng mentoring at iba pang suporta para sa mga IEN na nais makabalik sa propesyon.