CanadaEntertainmentPolitics

Little Manila: Kilalang intersection sa Toronto, pangalawang tahanan para sa mga Pilipino

Sikat man sa maraming Pilipino sa Toronto, hindi opisyal na pangalan ang Little Manila para sa kanto ng Bathurst st. at Wilson Ave. sa syudad.

“Little Manila is actually an unofficial name of the neighbourhood, it was a term coined by people who used to attribute this to the growing number of community members in the area,” ayon kay Ysh Cabana na kabilang sa mga walking tour guide sa Little Manila.

Bago pa man dumating ang mga Pilipino sa lugar, kilala na ang komunidad ng Bathurst St. at Wilson Ave. bilang lugar ng mga Jewish, Russian, at Italian immigrants.

Pero batay sa mga ulat at kwento ng mga nakatira dito, bandang 1990s nagsimulang dumating ang mga Pilipino sa lugar. Marami sa kanila, nag-umpisa bilang mga live-in caregivers.

“They worked in the area but they also lived here too.”

Ayon kay York Centre Member of Parliament Ya’ara Saks, kasabay ng paglaki ng populasyon ng mga Pilipino sa Toronto, ang pagtatayo ng iba’t ibang mga negosyong para sa mga Pilipino.

“It’s a place where we can just be ourselves,” ani Ednalyn Martinito na dating caregiver at may-ari na ngayon ng Wilson’s Haus of Lechon. 

Sa lugar na ito, madalas maririnig ang wikang Tagalog. Gayundin ang iba pang mga diyalektong ginagamit sa mga probinsya sa Pilipinas. 

Bukod sa mga tindahan at kainan, sa Little Manila rin ginagawa ang malalaking pagtitipon ng komunidad taun-taon tulad ng Taste of Manila at Fun Philippines. Naging destinasyon ang lugar hindi lamang para sa mga Pilipinong nanabik nang makauwi sa Pilipinas, pero pati na rin sa mga ibang lahi na interesadong alamin ang kulturang Pinoy.

“The cultural celebrations that we have, reinforce the pride that we have in our community,” ani Paul Saguil, isang abogado at community advocate.

Sa lumalaking kontribusyon ng komunidad sa syudad, kadikit ang mga kwento ng tagumpay, palaisipan tuloy sa marami kung panahon na nga bang opisyal na kilalanin ang lugar bilang kauna-unahang Little Manila ng Canada.

“I think it would be a great recognition from the City of Toronto and various levels of government to recognize this important space and important aspect of the multiculturalism of Toronto and especially for Filipino Heritage Month.”

Posible mang gawing opisyal ng City Council, ayon kay Saguil, malaking hamon pa rin kung walang organisasyon o lider na magsisimula ng panawagang ito.

“If we have someone to champion this within (the) City council, if we have someone to champion this at Queens Park, this will probably be happening sooner.”

Umaasa ang komunidad na darating ang panahon na opisyal nang tatawaging Little Manila ang itinuturing na pangalawang tahanan ng maraming Pilipino sa Toronto.

LATEST

FILIPINO

STORIES

LATEST

FILIPINO STORIES

Ontario gov't planong targeting...
Paghahanda ng mga kandidata...
Libreng Adult Learn to...
Bilang ng immigrants na...
SEE ALL FILIPINO CONTENT
  • PORTUGUESE ARABIC PORTUGUESE
  • ARABIC ITALIAN ARABIC ITALIAN
  • ENGLISH MANDARIN ENGLISH MANDARIN
  • MANDARIN FILIPINO MANDARIN FILIPINO

ABOUT


OMNI


TELEVISION


OMNI Television is Canada’s only multilingual and multicultural television broadcaster.

OMNI offers a wide range of locally produced and acquired programming in more than 40 languages, including news, current affairs and entertainment content in Arabic, Cantonese, Filipino, Italian, Mandarin, Portuguese, and Punjabi.

ABOUT US